I’ve been hearing a lot of stories that the AFP knows kung saan talaga nagtatago ang mga MILF pero why is it hindi nila ito sinusugod?
Bakit kailangan nilang hintayin na manggulo muna ang MILF bago nila ito sugurin?
Yesterday, narinig ko sa isang radio commentator na kaya raw hindi nila pinupuksa ang mga MILF ay para majustify raw yung mga gastos ng AFP. Idadahilan raw na malaki ang kanilang gastos dahil sa pagtugis sa MILF when in fact it was diverted to another endeavor. May nakapagsabi rin sa akin na binubugaw lang naman daw ng mga AFP ang mga MILF sa kanilang mga kuta at hindi naman talaga pinupuksa. I also remember na yang labanan ng MILF at AFP raw, ay negosyo rin. Kase marami silang bibilhing bala at mga kagamitan sa digmaan.
These are purely accusations pero if you think of it, baka totoo rin. Why is it that media people can locate the hide outs of this MILF and ASG group and conduct interview tapos yung mga intelligence group ng government ay hindi sila matunton?
